Sa Nabas Aklan March 31 2015, bumisita kami kung saan dito lumaki ang Mama at Tita ko. Malayo sa bayan ang kanilang tirahan kung kaya't kokonti lamang ang mga tao dito.Kung inyong mamasdan magaganda ang tanawin at nakakaginhawa ang paligid.Yun nga lang may parteng nakakatakot dahil sobrang tahimik at walang dumadaang tao.
Sa totoo lang nakasama lang naman ako sa bakasyon ng pamilya ng aking Tiyahin dahil hindi mahilig magtravel ang aking mga magulang. Lubos na kasiyahan ang aking naramdaman dahil nakapunta ako sa lugar nila. Nakakatuwang pagmasdan ang dagat,malinis at malinaw.
Hindi ko inaasahang malapit lamang ito sa isang sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa, ito ang Boracay.Pinuntahan namin ito upang makita ang kagandahan ng lugar at syempre para rin maligo.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQV0kcfeemJlnRBCKzpPh5smdq1H9aSaPfe3A4yQ6IWBSwIi_6qcrjld2jazxRyTVkhaauFKa4-qP11K-Xrx4IG8g0GbO2xdoiQdKdwGYVx1FM0UbCuFG0CO7SJPytfrfQRupcTm3xWDrO/s320/IMG20150401141701.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiBpKe2lYZ8lcyU6MdNcLj8pbAKvg0LywQTfBuDdKRw0WS5_olrEJH02yfcSq85lcOY3tT0UTlJi8E1u2LHTCUt7ysrXHi4Bsd0mmtroPdCpMxqMVU942IifTvSBJ0OS6Ab21uYDgN_JYe7/s200/IMG20150331200431.jpg)
Pagkarating namin dito labis akong namangha sa aking nakita ang buhangin ay pinong pino at mapuputi, malinaw at kulay asul ang tubig. Dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar naexcite ako. Agad agad akong pumunta sa buhangin at nagpatabon, gusto ko kasi maranasan matabunan ng buhangin.
Sunod naming pinuntahan kinabukasan ang Crystal Cove.Kung saan makikita rito ang mga kwebang nasa ilalim ng lupa na nakaugnay sa tubig dagat.Mayroon ding mga sinaunang mga gamit,paintings at may mga hayop na nakakulong. Masasabi kong malikhain ang pagkakagawa sa islang ito. Nakakatakot bumaba sa parteng ito pero nagtry pa rin kami dahil gusto namin makita kung ano ang nasa loob nito. Pero bago pa man makapasok sa kuweba na ito dadaan ka muna sa tubig dagat na hanggang bewang lamang.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjLyH2dUmq0YDNkgxdMC7TSjambcDXXudUiSTj1uikoO1HJ0MRN6Z7iTAPM4CDnyoys9AQkq5jxEjyxslI6fZVFB_AgZ4JRPHu4YsqqSndEsXWHJGDUR7feiZUqpkdAgpVZBeH2TDgmrq35/s200/20150404_095946.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi3RdozzlSh0lHPtJ0-vSLeAXWN_KSRY8VX8fbVyiJXJpAYxoO3Sz0xFTwEGPAfzy76cGaKr7c9zPQOsEBgajBArEXTNYRww3QGWjKKJf00y-C00mse-Yj6rRxEsBHIMMI7S3j8weHKTgU4/s200/20150404_085523.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEizP7jTHku37qWlu5oF2SxUy_LoBdtx9L-kbS_SGmfnZMpuFu42iHnOVL_0dmK8RCmh6_gi4Es0e4XxVshHeIpYm2tDVnXo5sfKDMOSgEYBmb1ZmZqZmoWvNYtGDhLDHNmbU3R_4PA-j2OQ/s320/21585008_2348442818714982_1539945721_n.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjLyH2dUmq0YDNkgxdMC7TSjambcDXXudUiSTj1uikoO1HJ0MRN6Z7iTAPM4CDnyoys9AQkq5jxEjyxslI6fZVFB_AgZ4JRPHu4YsqqSndEsXWHJGDUR7feiZUqpkdAgpVZBeH2TDgmrq35/s200/20150404_095946.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi3RdozzlSh0lHPtJ0-vSLeAXWN_KSRY8VX8fbVyiJXJpAYxoO3Sz0xFTwEGPAfzy76cGaKr7c9zPQOsEBgajBArEXTNYRww3QGWjKKJf00y-C00mse-Yj6rRxEsBHIMMI7S3j8weHKTgU4/s200/20150404_085523.jpg)
Hindi kami nakaligo dito dahil malalim ang tubig kung kayat pumunta kami sa isang kilalang paliguan sa Aklan ito ang Hurom hurom. Mahirap puntahan ang paliguan na ito dahil malayo at dadaan ka pa sa lubak lubak na daanan pero worth it naman kapag nakarating ka at nakaligo.
Pagkatapos ang huling napuntahan ay ang Windmill ngunit hindi ako nakasama dahil tulog pa ko nang silay nagpasyang pumunta sa nasabing lugar. Sinabi nila sakin na malubak, at masyadong matarik ang daan patungo dito.
Hindi ko malilimutan ang napakagandang lugar na ito. Maraming bagay akong natutunan at nakita.Akala ko simpleng probinsya lamang ang aklan, akala ko lang pala yun.Sobrang napamahal ako sa lugar na ito na umabot sa punto na gusto kong magpaiwan. Nagpasya ako magpaalam na maiwan dito ngunit hindi ako pinayagan kung kayat umuwi akong luhaan. Pero pinapangako ko na makakabalik ako sa napakagandang probinsya na ito. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.
Kamsahamnida !!!