Linggo, Setyembre 10, 2017

Once In a Lifetime Journey

                                                                            
                  Sa Nabas Aklan March 31 2015, bumisita kami kung saan dito lumaki ang Mama at Tita ko. Malayo sa bayan ang kanilang tirahan kung kaya't kokonti lamang ang mga tao dito.Kung inyong mamasdan magaganda ang tanawin at nakakaginhawa ang paligid.Yun nga lang may parteng nakakatakot dahil sobrang tahimik at walang dumadaang tao. 

                                                                                                                                                                           Sa totoo lang nakasama lang naman ako sa bakasyon ng pamilya ng aking Tiyahin dahil hindi mahilig magtravel ang aking mga magulang. Lubos na kasiyahan ang aking naramdaman dahil nakapunta ako sa lugar nila. Nakakatuwang pagmasdan ang dagat,malinis at malinaw.




Hindi ko inaasahang malapit lamang ito sa isang sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa, ito ang Boracay.Pinuntahan namin ito upang makita ang kagandahan ng lugar at syempre para rin maligo. 



   Habang nasa daan kami patungo dito ay marami kaming nakakasalubong na mga turista karamihan ay foreigner. Marami ding mga gusaling makikita at mga naggagandahang hotels at bars.Nakakutuwa nga kung titignan dahil ang saya saya ng paligid na akala mo'y walang problema ang mga tao dito.

  Pagkarating namin dito labis akong namangha sa aking nakita ang buhangin ay pinong pino at mapuputi, malinaw at kulay asul ang tubig. Dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar naexcite ako. Agad agad akong pumunta sa buhangin at nagpatabon, gusto ko kasi maranasan matabunan ng buhangin.
                                                                    


Sunod naming pinuntahan kinabukasan ang Crystal Cove.Kung saan makikita rito ang mga kwebang nasa ilalim ng lupa na nakaugnay sa tubig dagat.Mayroon ding mga sinaunang mga gamit,paintings at may mga hayop na nakakulong. Masasabi kong malikhain ang pagkakagawa sa islang ito. Nakakatakot bumaba sa parteng ito pero nagtry pa rin kami dahil gusto namin makita kung ano ang nasa loob nito. Pero bago pa man makapasok sa kuweba na ito dadaan ka muna sa tubig dagat na hanggang bewang lamang. 


Hindi kami nakaligo dito dahil malalim ang tubig kung kayat pumunta kami sa isang kilalang paliguan sa  Aklan ito ang Hurom hurom. Mahirap puntahan ang paliguan na ito dahil malayo at dadaan ka pa sa lubak lubak na daanan pero worth it naman kapag nakarating ka at nakaligo.

Pagkatapos ang huling napuntahan ay ang Windmill ngunit hindi ako nakasama dahil tulog pa ko nang silay nagpasyang pumunta sa nasabing lugar. Sinabi nila sakin na malubak, at masyadong matarik ang daan patungo dito.

Hindi ko malilimutan ang napakagandang lugar na ito. Maraming bagay akong natutunan at nakita.Akala ko simpleng probinsya lamang ang aklan, akala ko lang pala yun.Sobrang napamahal ako sa lugar na ito na umabot sa punto na gusto kong magpaiwan. Nagpasya ako magpaalam na maiwan dito ngunit hindi ako pinayagan kung kayat umuwi akong luhaan. Pero pinapangako ko na makakabalik ako sa napakagandang probinsya na ito. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon.

Kamsahamnida !!!

62 komento:

  1. Galing naman it will serve as your inspiration that story to go back again on that place, parang gusto q n din pumunta if I have a chance! Good luck to you

    TumugonBurahin
  2. Naks naman sana makapunta rin ako dito

    TumugonBurahin
  3. Thanks for taking me to Aklan, it's about time we Filipinos should talk more about the beauty of each place in our country.. it's also an important way to share and promote to the world how peaceful and loving our people and the Philippines. We often heard the positve praises from foreighners but rare from Fiilpinos. Well done, girl! I will incude this in my wish lists on my next holiday!

    TumugonBurahin
  4. Ang aliwalas sa mga mata ng mga tanawin at lugar na mayroon sa Aklan. Nawa'y masundan pa ito at madala mo kami sa iba pang lugar.

    TumugonBurahin
  5. ang galing mo talaga.. ganda pa ng place

    TumugonBurahin
  6. wow ang ganda naman dyan..thanks for your blog and now i figured out how does it look

    TumugonBurahin
  7. Amazing.. ������
    you are very fortunate keyce you've been there.. hopefully soon i will be there too.. :)

    TumugonBurahin
  8. Killer view sa ganda������

    TumugonBurahin
  9. What a beautiful place! You make me more interested in visiting Aklan. Nice read and photos! :)

    TumugonBurahin
  10. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  11. Ang ganda ng lugar.

    TumugonBurahin
  12. Ayiee ahah magaling magaling,tamang lakbay lang ahah

    TumugonBurahin
  13. Grave..ang gaganda ng napuntahan ahh ahah....

    TumugonBurahin
  14. Whaha....bakit ang cute cute mo diyan.!?.

    TumugonBurahin
  15. mukhang maraming "instagramable" scenes diyan. maganda diyan

    TumugonBurahin
  16. nc!! ganda pala sa aklan dahil sa blog mo parang gusto ko tuloy pumunta someday!!

    TumugonBurahin
  17. This blog makes me want to visit Aklan 💜

    TumugonBurahin
  18. Wow ang ganda ng lugar! I hope makapunta din ako dyan someday ����

    TumugonBurahin
  19. Nice travel! gusto ko din pumunta diyan someday ..

    TumugonBurahin
  20. Ang ganda Ng Lugaaaaaaarrrrr������ Grabe Salamat sa effort Mong Gumawa Ng Blog . ����

    TumugonBurahin
  21. Ang ganda nmn pla sa Nabas Aklan dahil sa blog mo nakita ko ang ibang magagandang lugar sa Aklan Thank you! Keep it up!

    TumugonBurahin